Friday, March 15, 2013

Curiosity Kills the Cat?? Maybe...



Heyy.. eto nanaman ako.. haha..  magrereklamo nanaman tungkol sa buhay at iba pang mga bagay..

Dahil sa pagiging curious ko sa mga nangyayari sa buhay ng ibang person ((..note* ung close ko lng naman aa ..)), I now find myself in a situation i'd rather not be involve into. Ngayon tuloy nahihirapan ako, siguro tama nga ung "less is more" the less you know about the things that surrounds you although it makes you look like a 'dumb nobody' the more peaceful your life can be..

Hindi ko naman sila sinisisi at hndi rin nmn ung sarili ko, sa tingin ko lng nmn na mas magiging mapayapa ako kung hindi ko sila nalaman but nevertheless nalaman ko na ee, may magagawa pa ba ako? …

Ito ay bagong issue sa aming magkakaibigan. Bakit mahirap ito para sa akin? Kasi dalawa sa pinakamalalapit na kaibigan ko ang involve dito. Alam mo yung umaabot ka na sa point na hindi mo na alam ang sasabhini mo dahil ayaw mong masaktan ang feelings ng isa at ayaw mo din naman lumabas na may kinakampihan ka sa kanila..  <<Para mas madali papangalanan ko silang Friend A at Friend B.>>

Siguro mukhang hindi ako affected pero kabaligtaran yun.. Sobra akong naapektuhan sa mga nangyayari dahil pareho ko silang kaclose, siguro magaling lang akong magtago or baka may nakakapansin na nun hindi nga lang niya ako matanong about sa bagay na yun.. meron nga akong isa pang close friend na naiyak dahil naiipit na daw sia, actually tingin ko malapit na rin akong maiyak sa mga nangyayari, sadyang malakas lang siguro ang emotional side ko bilang tao.. Kasi kung hindi nakoooo, ewan ko lang.. 

Awkward kung tatanungin ka nila ng : "friend anong gagawen ko?", ay mali hindi pala yan awkward na tanong isa yang tanong na hindi mo masasagot ng basta na lamang dahil pag ito ang sinabi ko masasaktan si friend A, pag iyon naman masasaktan naman si friend B.. so bale mahirap talaga.. Ayaw mo silang saktan kaya hindi mo sila matulungan. 

Kasi totoo nmn na kailangan ko munang mamili ng taong ssktan db.? in any way may masasktan at masasktan sa kanilang dalawa.. Paano nmn un db? ayoko din naman na tumayo nalang sa isang tabi at manuod na lang sa mga mangyayari kasi pag may kaibigan na akong umiyak, may guilt ako na mararamdaman dahil hindi ako gumawa ng paraan upang mailayo siya roon.. 

Haistt.. NapakaComplicated ng buhay ..   :///

-Pairima :) 

No comments:

Post a Comment